Search
  • BULGAR

State of calamity sa bansa, extended

ni Mylene Alfonso | September 15, 2020





Posibleng palawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.


Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil na rin sa wala pang bakuna na available kontra-COVID-19.


“Most likely po, dahil habang wala pong bakuna, habang walang gamot sa COVID, patuloy po ang epekto ng pandemya,” tugon ni Roque sa online briefing nang tanungin kung ire-renew ang proklamasyon na nagdedeklara ng state of calamity sa bansa.


Matatandaang, buwan ng Marso nang isailalim ng Pangulo sa pamamagitan ng Proclamation 929 ang buong bansa sa state of calamity bunsod ng COVID-19 pandemic kung saan tumagal ng anim na buwan at nakatakdang mapaso ngayong linggo.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.