top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Stadium, ginawang ospital para sa COVID patients

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | October 19, 2020




Isinagawa bilang kauna-unahang field hospital ng Polish government ang Narodowy Stadium na matatagpuan sa Warsaw, Poland para makatulong sa mga pasyenteng may COVID-19 sa kanilang lugar.


“The first works started on Saturday,” ayon sa inilabas na anunsiyo sa Twitter ng opisyal ng Polish government. Ilalagay ang ospital sa lugar ng conference rooms ng stadium para magkaroon ng mga kuwarto ang 500 pasyenteng may Coronavirus sa inisyal na kapasidad nito.


Unti-unting daragdagan ang mga rooms hanggang sa umabot ito ng 1,000 beds. Sinimulang i-convert ang Narodowy Stadium bilang field hospital noong Sabado, kung saan unang mangyayari sa nasabing bansa na ang isang stadium ay ginawang ospital.


Samantala, nakapagtala ang Poland ng 175,766 cases at 3,573 ang namatay dahil sa COVID-19, ayon sa ibinigay na report ng Johns Hopkins University.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page