top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Spence vs. Garcia, itatakda sa welterweight bout sa Nobyembre

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2020
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 3, 2020




Kinumpirma nina World Boxing Council (WBC)-International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. at two-division titlist Danny Garcia ang kanilang salpukan para sa 147-lbs championship sa Nobyembre 21 sa Estados Unidos.


Ibinunyag ng 30-anyos na undefeated champion sa kanyang twitter account na nakatakda itong makipagpambuno sa 32-anyos na Philadelphia, Pennsylvania-native para sa 12-round title fight para sa IBF at WBC belts. Subalit, wala pang malinaw na pagdarausan ng laban ng dalawa dahil tinatantiya pa kung sakaling mapapayagan ng manood ang mga fans dito na kasalukuyan pa ring pinagbabawalan bunsod ng pag-iingat sa pagkalat pa lalo ng coronavirus disease.


Done deal the King of the division BACK,” paglalahad nit sa kanyang twitter account. “Nov. 21st on Fox PPV vs @DannySwift. #Mandown #strapseason to.”


Sunod namang binawian ni Garcia ng sarili niyang pahayag ang nasabi ni Spence sa kanyang social media account.


HERE WE GO! @ErrolSpenceJr. Spence on Nov. 21. Signed! Sealed! Delivered! My 10th world title fight [it’s] time to crown the king again, ” wika ni Garcia.


Pormal na iaanunsyo ang tapatan nina Spence-Garcia pay-per-view event sa Agosto 8 sa muling pagbabalik sa ere ng FOX boxing broadcast matapos ang limang buwan. Dito magsasalpukan sina Thomas Dulorme (25-3-1, 16 KOs) at Jamal James (26-1, 12 KOs) para sa World Boxing Association (WBA) interim welterweight title sa 12-round main event sa Microsoft Theater sa Los Angeles.


Nakatakda na sanang magtapat ang dalawa noong Enero para sa dalawng titulo ni Spence, ngunit dahil sa injuries na mayroon ito ay pansamantala itong naantala kung kaya’t napasabak si Garcia kay Ivan Redkach ng Ukraine na nagresulta sa isang 12-round unanimous decision victory sa Barclays Center, New York noong Enero 25, 2020.


Matatandaang nasangkot si Spence sa isang malagim na aksidente noong Oktubre 10, 2019 matapos magpagulong-gulong ang minamanehong Ferrari nito sa sa kahabaan ng northbound lanes ng 500 block ng South Riverfront Boulevard malapit sa downtown ng Riverfront Boulevard ng Dallas, Texas dahil sa mabilis na takbo.


Masuwerteng nagkaroon lang ito ng facial lacerations tulad ng pagkabungi at sugat sa mukha, ngunit walang mga bale sa katawan. Dahil dito ay kinasuhan siya ng Dallas police ng misdemeanor count driving under the influence of alcohol.


Makailang beses ding naidikit ang mga pangalan nina Garcia at Spence kina eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao, at sa ilang mga welterweight fighters sa kasalukuyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page