Sotto, pumalag... LGBT, itinuturo sa Grade 1

ni Mylene Alfonso @News | November 26, 2026

Photo: File / Sen. Tito Sotto III - Senate Social Media Unit - Voltaire D.
Kinuwestiyon ni Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III ang pagiging angkop sa edad ng mga araling may kaugnayan sa LGBT na nakapaloob sa mga aklat para sa Grade 1.
Sa pagtalakay sa panukalang badyet ng Department of Education (DepEd), iginiit ni Sotto na dapat magtakda ng limitasyon ang ahensya sa mga paksang itinuturo sa mga batang mag-aaral.
“DepEd has to draw a line, hindi ba masyadong mababaw ang pag-unawa ng mga elementarya para ituro kaagad ito nang ganito?” ani Sotto.
Nilinaw ng senador na hindi ang ideolohiya ng LGBT ang kanyang kinukuwestiyon kundi ang tamang edad ng mga batang dapat maturuan tungkol dito.
Iminungkahi rin ni Sotto na bigyang-prayoridad ng DepEd ang mga aralin tungkol sa anti-bullying, drug abuse prevention, financial literacy at mental health.





Comments