top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Solusyon sa taas-presyo ang kailangan, hindi puro babala

BULGAR
Sep 11, 2022
1 min read

@Editorial | September 11, 2022


Kapansin-pansin ang sunud-sunod na taas-presyo at kakulangan sa suplay ng mga bilihin.


Nagkaroon ng price hike sa asukal, bigas, sibuyas at iba pa. Ang sinasabing dahilan, kulang ang supply.


May posibilidad pa umanong magkulang ang supply ng canned goods, tulad ng sardinas resulta ng price increase sa tin plates, kamatis at iba pang raw ingredients.


Dahil nga sa umano'y shortage at price hike, nag-anunsyo na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) na agahan na ang pagbili ng mga konsyumer ng kanilang ‘Noche Buena goods’ para maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga ito.


Wala namang magawa ang publiko kundi ang maghanap ng alternatibong produkto o pikit-matang bumili kahit mahal.


Hanggang sa mabulgar ang sinasabing pekeng shortage. Mas nadagdagan ang pasakit sa mamamayan, hindi na tuloy malaman kung ano ba ang totoo.


At sa pamamagitan ng isang resolusyon, nais maimbestigahan sa Kongreso ang nangyayaring taas-presyo at sinasabing kakulangan sa suplay ng mga bilihin. Pinangangambahang magdudulot ito ng pagkagutom sa mga labis nang naghirap dahil sa pandemya.


Sana nga lang ay maging mabilis ang gagawing imbestigasyon at kung may mapatunayang gumagawa ng kalokohan, tuluyan agad.


Nakapanlulumong isipin na habang todo-kayod ang marami para makabili ng pagkain, may iilan naman na nagkukutsabahan sa ilegal na gawain para sa pera. Magbago na kayo!


Pakiusap din sa kinauukulan, huwag naman sana puro babala, panahon na para sa mas epektib at pangmatagalang solusyon sa taas-presyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page