top of page

Solo parent at buntis,pasok sa food stamp

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | June 14, 2023



ree

Aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pilot testing ng food stamp program na inilaan para sa isang milyong mahihirap na pamilya bilang bahagi ng layunin ng administrasyon na labanan ang kahirapan, malnutrisyon at kagutuman.


Sinabi ni Gatchalian na nasa $3 milyong ayuda ang ibinigay ng Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency at French Development Agency para sa naturang programa na ipatutupad sa Hulyo.


Sinabi ni Gatchalian na nais din ng Pangulo na isama sa programa ang mga single parent, mga buntis at mga nagpapasusong ina kasunod ng pagkilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na suriin ang problema sa stunting sa bansa upang mabisang maipatupad ang First 1,000 Days Law (RA 11148) na iniakda at inisponsor ni Senador Grace Poe.


Nauna rito, ipinaliwanag ng ahensya na magbibigay ito ng "electronic benefit transfer (EBT) cards" na lalagyan ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan para makabili ng piling listahan ng mga bilihin mula sa DSWD registered o accredited local retailers.


Sa kanyang panig, inihayag ni Health Secretary Teodoro Herbosa na katuwang ng DSWD sa nasabing programa na dapat na may nutritional value ang mga pagkain na ipamamahagi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page