top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Social media, kailangan nang i-regulate

BULGAR
Jun 2, 2022
1 min read

@Editorial | June 2, 2022


Talagang namayagpag ang mga trolls nitong nagdaang halalan.


Sila ang lalong nagpatindi ng fake news at nagpagulo ng halalan.


Ngayong may inaasahang isa pang eleksyon, hindi na dapat makaporma ang mga salot na ‘to sa social media.


Kaugnay nito, sang-ayon ang Comelec na dapat nang magpasa ng isang batas para sa pag-regulate sa social media para malabanan ang paglaganap ng trolls, lalo na sa kasagsagan ng halalan.


Panawagan na maipursige ang pagkakaroon ng social media regulation sa bansa kahit na sa panahon ng kampanya o eleksyon.


Batid naman natin na kapag walang batas, hindi nito ganap na maipatutupad ang regulasyon para makasuhan ang troll sa social media at maipakulong.


Sa ngayon, ang magagawa lang ng poll body ay maghain ng cyber libel laban sa sangkot na indibidwal, lalo na kung ang post nito ay maituturing na harmful.


Nauna nang bumuo ang Comelec ng Task Force Kontra Fake News para malabanan ang anumang pagtatangka para sirain ang kredibilidad ng electoral process ng nagdaang halalan ngayong taon.


Pero, hindi talaga ito sapat kung walang batas.


Isang batas na magsisilbing babala sa lahat na hindi na uubra ang panggugulo online. May matibay nang kautusan at parusa sa mga lalabag at may talagang tutuluyan.


At habang wala pa ang batas na ito, manatili lang tayong matalino at huwag magpapabiktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page