Search
  • BULGAR

Sobrang pondo sa programa ng gobyerno...

ipasa sa ibang proyekto kontra pandemya, ‘wag sa bulsa ng mga buwaya

ni Ryan Sison - @Boses | June 29, 2020



Sa nakaraang mga buwan, patuloy na nakatanggap ng ayuda ang mga manggagawang pansamantalang nawalan ng hanapbuhay dahil sa small wage subsidy program ngayong may COVID-19 pandemic.


Kahapon, (Hunyo 28) ang huling araw ng pagkuha ng perang inilabas ng Social Security system (SSS), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Finance (DOF) para sa mga manggagawang kuwalipikiado sa naturang ayuda.


Base sa rekord ng ahensiya, nasa 87,000 pa ang hindi nakakuha ng ayuda na katumbas ng mahigit P6-M.


Kaugnay nito, dadalhin na lamang sa Bureau of Treasury ang salaping hindi makukuha ng mga benipisaryo ng naturang programa upang ilaan sa iba pang proyekto para sa paglaban ng COVID-19.


Magandang hakbang ito para mapakinabangan ng ibang proyekto ang natirang pondo ng naturang programa. Basta siguraduhin lang na makakarating ito sa ahensiyang namamahala sa bawat proyekto at hindi sa bulsa ng mga buwaya!


Siyempre, kailangan ding maging tapat ng bawat ahensiya para masiguradong napakikinabangan ang bawat sentimo ng pondo.


Kung palaging may plano sa mga hindi nagagamit na pondo, mababawasan ang utang ng Pilipinas.


Sa panahon talaga ngayon, dapat kailangan din nating isipin kung paano maba-budget at magagamit nang tama ang pondo, hindi ‘yung palagi nating sasabihin na kesyo maliit ang budget kaya kukulangin at saka mangungutang.


May mga programa para tugunan ang pandemya, pero hindi uubra na umasa lang sa utang para magkaroon ng budget at maisagawa ito.


Masyado nang malaki ang utang ng Pilipinas, kaya kung hindi tayo kikilos ngayon, baka habambuhay na tayong magbayad ng utang.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.