SMNI news facebook page ni Pastor Quiboloy, wala na sa socmed
- BULGAR
- Sep 18, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 18, 2023
MGA CONG. NA GIVE NANG GIVE NG CONFI FUNDS SA MGA TRAPO, GOOD JOB DAW, AYON SA RPMD - -Labindalawang kongresista ang binigyan ng good job performance rating ng RP-Mission and Development Foundation (RPMD).
Para sa kaalaman ng publiko, ang 12 kongresistang ito ang nanguna sa nagkaloob ng confidential funds sa mga tanggapan ng trapo (traditional politicians) na sinuportahan ng mga kapwa nila kongresista na kasapi ng majority sa Kongreso.
Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na ‘yung mga cong. na give nang give ng “confi funds” na ginagasta ng mga trapo nang walang kaakibat na resibo, ay good job daw ayon sa RPMD, he-he-he!
◘◘◘
GOOD NEWS ANG PAGKAWALA SA FB NG SMNI NEWS FACEBOOK PAGE -- Matapos i-ban ng Facebook at YouTube ang mga social media accounts ni Pastor Apollo Quiboloy, ay ang pag-aari nitong SMNI News Facebook page naman ang nawala o naglaho sa social media.
Good news ‘yan sa mga biktima ng fake news at red-tagging kasi hindi na sila mari-red-tagged ng SMNI News Facebook page, period!
◘◘◘
DAPAT IPA-CONTEMPT NI CAYETANO ANG LLDA GENERAL MANAGER --Umuusok sa galit si Sen. Alan Cayetano, chairman ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises kasi inisnab ni General Manager Senando Santiago ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang patawag na committee hearing ng senador.
Ang dapat gawin ni Cayetano ay ipa-contempt at ipaaresto niya si Santiago para maobliga itong dumalo sa kanyang committee hearing kasi kung hindi niya ito iku-contempt ay baka laging isnabin nito ang mga patawag na imbestigasyon ng Senado, boom!
◘◘◘
KAPAG TARIPA NG RICE IMPORTERS BINAWASAN, YARI NA NAMAN ANG MGA MAGSASAKA -- Hindi nagustuhan ng mga magsasaka ang plano nina Finance Sec. Benjamin Diokno at National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan na bawasan ang taripa o tax na binabayaran sa Customs ng mga rice importers, at dahil d’yan ay nanawagan sila na mag-resign na sa puwesto ang dalawang miyembro ng Gabinete ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM).
May dahilan ang mga magsasaka na magalit kasi kapag nangyari ito ay tiyak mas dadami pa ang mga rice importers na mag-aangkat ng mga imported rice na tuluyang papatay sa hanapbuhay ng mga magsasaka, period!





Comments