by Info @Brand Zone | September 26, 2023
Muling nakibahagi ang SM Cares sa taunang International Coastal Cleanup Day noong Sabado, ika-16 ng Setyembre, 2023. Pagpapatibay ito ng patuloy na pag-suporta ng SM sa adbokasiya ng ocean conservation.
15 na SM malls mula sa 12 locations ang tumulong sa pag-kolekta ng 100,432.50 kg. ng marine debris, kasama ang DENR, LGUs at ang lokal na komunidad
Nilinis ng SM City Bataan ang lokal na baybayin sa may Balanga Wetland and Nature Park
Sa pier site ng Brgy. Talisay & Bitan-o naglinis ang SM City Sorsogon
Umaliwalas ang Bagasbas Beach sa tulong ng SM City Daet
Naghahanda ang mga volunteer ng SM City Legazpi na linisin ang baybayin ng Legazpi Boulevard
Nilinis ng mga volunteer ng SM City General Santos ang Bauayan River
Sa Kalaklan Parola nangolekta ang mga volunteer ng SM City Olongapo Central at SM City Olongapo Downtown
Pinakita ng mga volunteer ng SM City Mindoro ang nakolektang basura sa Basilan Strait
Nilinis ng mga volunteer ng SM City Cebu at SM Seaside City Cebu ang Kinalumsan River sa SRP
Nilinis ang baybayin ng Cagayan River ng mga volunteer ng SM City Tuguegarao at SM Center Tuguegarao Downtown
Patuloy ang paglaban ng SM by the BAY volunteers para sa malinis na Manila Bay
Patuloy ang paglilinis ng SM City Puerto Princesa sa mga lokal na baybayin
Sumali ang SM City Roxas sa paglinis ng Baybay Beach
Layunin ng SM ang makakolekta ng “biggest haul” ng basura at marine debris. Sa taong ito, nakakuha sila ng halos 75,033 kg. buhat ng pinakamalaking partisipasyon mula pa nung 2015 - 15 na SM mall mula sa 12 na lokasyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Dahil dito, halos 17,026 na katao, kabilang ang SM employees at iba pang mga grupo, ang nakisali sa paglilinis ng kani-kanilang pinakamalapit na baybaying dagat.
Maraming pinangunahang projects and initiatives ang SM na nakatuon sa ocean conservation at coastal cleanup bilang pagsuporta sa United Nations Decade of Ocean Science for Sustainable Development (2021-2030). Alinsunod sa Ocean Decade Challenge ngayong taon na pinangalanang Sustainably Feed the Global Population, ipinapakita ng SM sa pamamagitan ng kanilang mga water conservation projects katulad ng pag-recycle at pag-treat ng tubig mula sa paghuhugas ng kamay at pagkolekta ng tubig-ulan ang kahalagahan ng pakikibahagi ng komunidad sa pagbawas ng polusyon, pagprotekta sa ating mga yamang pangisdaan, at pagpapanatili ng mga potable water sources para sa lahat.
“Lahat tayo ay may responsibilidad na protektahan at pangalagaan ang ating yamang dagat, pati na rin ang komunidad na nabubuhay at nakikinabang dito,” ani SM Supermalls Vice President for Corporate Compliance and SM Cares Program Director for the Environment Engr. Liza B. Silerio. “Ang mas malinis na karagatan ay hahantong sa isang magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.”
Comments