top of page

Sky Shot, susubok sa Union Bell at Heneral Kalentong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 20, 2020



Isa pang kalahok ang magbibigay ng magandang laban sa 3rd Leg Triple Crown Stakes Race ang Sky Shot sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.


Sa darating na Nobyembre 29,2020 magaganap ang paghaharap ng dalawang itinuturing na magaling na kabayo sa 3rd Leg Triple Crown ang Heneral Kalentong ang 2 time leg champion at 2019 Philracom Juvenile champion at Philtobo Juvenile Champion.


Ang dalawang kampeon ay nakatakdang maglaban sa huling yugto ng Triple Crown na kapwa na gugustuhin ng bayang karerista. Subalit may isang nagbabanta na maging kaagaw sa titulo ng Triple Crown ang Sky Shot ng nagkampeon sa 2nd leg ng Hopeful Stakes Race at 3 Year Old Locally Bred.


Nagpakita ng magandang laban ang Sky Shot sa apat na karera mula ng manalo sa Navotas race at tatlong seryosong karera sa 3 Year Old above maiden race, 3 YO Locally Bred at Hopeful Stakes Race.


Maganda ang ipinakitang galing ng Sky Shot sa dalawang takbo. Maghaharap sa 2,000 meters ang tatlong kalahok.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page