top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Skimmed milk na ibinebenta online hindi aprubado ng FDA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 11, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Maraming gatas na ibinebenta ngayon online na sadyang hindi pumasa sa standard ng Food and Drug Administration (FDA).


Nanawagan si Dr. Lotis Francisco, ng Food Science & Nutrition, U.P. Diliman, na maging maingat sana ang publiko lalo na ang mga ina na bumibili ng mga gatas, karaniwan nito ay powdered milk para sa kanilang mga supling, gayundin ang skimmed milk sa mga may-edad.


Aniya pa, mabilis ang expiration date ng mga ito dahil sa nakalagay lamang sa plastic at hindi selyadong mabuti.


“Nakalagay lamang sa plastic ang mga skimmed milk at walang seal… Importante na may product name… ‘Pag nag-repacked dapat malinis… may mga guidelines… Mahalaga na dapat may lisensiya ang nagre-repacked ng gatas... Ang skimmed milk ay dapat may protein content na 34%... Iba kasi ‘yung ibinebenta kesa sa picture na ipinakikita online… kaya talagang delikado. Hindi aprubado ‘yan sa FDA…” ayon kay Francisco sa isang virtual interview.


Ayon kay Francisco, ito ay mula sa mga European countries na nire-repacked sa ating bansa pagkatapos ay ibinibenta online.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page