top of page
Search
  • BULGAR

Sitwasyon sa WPS, mala-Israel-Hamas at Russia-Ukraine wars

ni Ka Ambo @Bistado | Decembet 15, 2023


AABOT sa 20,000 ang namatay sa giyera ng Israel at Hamas. 

Malupit na Pasko. 


—$$$—


KAKAMBAL ng US ang Israel. 

Kontra sila sa ceasefire. 

Ang UN, nganga. 


—-$$$— 


MAHIRAP unawain ang giyera ng Israelites at Palestine. 

Nagbabalik ang istorya sa Bibliya. 

Walang pagbabago. 


—$$$— 


ISA pang giyera ang pinanonood ng daigdig pero walang ending. 

Ito ay ang Russia vs. Ukraine. 


—-$$$— 


SA international press, pinalilitaw na natatalo ang Russia. 

Sa aktuwal, nasakop ng Russia ang ilang teritoryo ng Ukraine. 

Hindi pa ito nababawi ng Ukraine, US at NATO. 


—-$$$— 


SAKALING magkaroon ng peace talk, mananatili sa Russia ang nasakop nang teritoryo. 

Pwes, paano magwawagi ang Ukraine katuwang ang mga kaalyado? 


—-$$$—- 


ISANG modelo, padron o halimbawa ang Israel-Hamas war at Russia-Ukraine war sa sitwasyon sa West Philippine Sea. 


Walang aktuwal na putukan, pero magaan na nasakop ng China ang malaking bahagi ng naturang teritoryo. 


Tulad sa Gaza at rehiyon sa Ukraine, mananatili ang China sa sinakop nitong teritoryo. 


—$$$— 


HINDI lahat ng tama ay siyang dapat maganap. 

Mas nararanasan ay maging praktikal at pagtanggap sa mapait na katotohanan. 


—-$$$— 


DALAWA lang ang solusyon upang maipreserba ang teritoryo at soberanya.

Una, palakasin ang puwersang militar. 

Ikalawa, magbuwis ng buhay para sa Inang Bayan. 


—-$$$— 


ANG isang nasyon ay naidedepensa sa pagdidilig ng dugo ng mga martir. 

May martir na ba sa WPS? 


Masakit ang sagot: Wala po!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page