Sinuotan ng bracelet, pahiwatig na matutuloy ang kasal
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 25, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Baguio.
Dear Maestra,
May karelasyon ako at nagbabalak na kaming magpakasal.
Napanaginipan ko na natanggap ako sa trabaho at natuwa ang karelasyon ko. Tapos binigyan niya ako ng bracelet at siya mismo ang nagsuot sa akin nito sa first day ng pagpasok ko sa opisina.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dorothy
Sa iyo, Dorothy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na natanggap ka sa trabaho ay may magandang kapalarang naghihintay sa iyo dahil papalarin ka sa buhay.
Samantala, ang ibig sabihin naman ng binigyan ka ng bracelet ng karelasyon mo at siya mismo ang nagsuot nito sa iyo, matutuloy ang kasal n’yo. Gayundin, yayaman kayo at susuwertehin sa inyong pagsasama. May posibilidad din na tumama kayo sa lottery.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments