top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sinong artistang mambabatas ang may P3 bilyong pork barrel?

BULGAR
Jan 15, 2023
1 min read

Updated: Jan 15, 2023

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 15, 2023


ARTISTANG MAMBABATAS, MAY P3 BILYONG PORK BARREL—Nag-post sa social media si former Sen. Panfilo "Ping" Lacson, Jr. na isang artistang mambabatas ang nagsingit ng P3 bilyong pork barrel sa 2023 National Budget.


Kapag sinabing mambabatas, kung hindi senador ay kongresista 'yan.


Hay naku, kaya pala ginusto ng artistang ito na maging mambabatas ay para magkaroon ng bilyun-bilyong pork barrel.


◘◘◘


DAPAT PANGALANAN ANG MASIBANG ARTISTANG MAMBABATAS—Sa ngayon ay maraming artistang senador at kongresista.


Sana sa susunod na mag-post si ex-Sen. Lacson ay ibulgar na niya ang pangalan ng artistang mambabatas para malaman ng taumbayan kung gaano ito kasiba sa kuwarta, nang sa gayun kapag kumandidato ito ulit ay ibasura ng mamamayan ang kanyang kandidatura nakakabuwisit isipin na nagka-P3 bilyon ito, daig pa nito ang tumama ng jackpot sa lotto.


◘◘◘


PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN, DAHILAN KAYA DUMARAMI ANG MAHIRAP—Sa latest survey na inilabas ng SWS ay lumitaw na 51% ng pamilyang Pinoy o mahigit sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang nakararanas ng hirap ng pamumuhay ngayon.


Baka sa susunod na survey ay madagdagan pa ang bilang ng pamilyang Pinoy ang naghihirap kasi sa totoo lang ay marami talaga ang maghihirap dahil hindi naman nadaragdagan ang suweldo ng mga manggagawa, tapos ang presyo ng mga bilihin at bayarin ay patuloy na tumataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page