top of page

Sino pa ang proprotekta sa mamayan, kung pulis ang kriminal?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | January 31, 2026



Editoryal, Editorial


Nagkalat ang pulis-holdaper. Hindi na ito tsismis, hindi na rin iisang kaso lang. May mga pulis na ginagamit ang baril at uniporme para mangikil, manakot, at magnakaw. Sa halip na proteksyon, takot ang ibinibigay sa mamamayan.


Mas masakit, madalas ay lusot. Mabagal ang imbestigasyon at napapako ang kaso. Dahil dito, lalong lumalakas ang loob ng mga abusado at lalong nasisira ang tiwala ng publiko sa buong kapulisan, pati na sa mga pulis na tapat naman sa tungkulin.


Hindi sapat ang salitang “may aksyon.” Kailangan ng tanggalan, kulungan, at malinaw na parusa. Walang espesyal na trato dahil lang may uniporme. Kung ang pulis mismo ang holdaper, doble ang kasalanan—sa batas at sa taumbayan.


Kung hindi ito haharapin nang diretso, tuluy-tuloy ang pang-aabuso. 

At sa huli, ang tanong: sino pa ang poprotekta sa mamamayan kung ang pulis ang kriminal?


Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page