Single mom gf, makakatuluyan kahit tinututulan
- BULGAR

- Aug 1, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 1, 2020
Dear Maestro,
Single mom ang girlfriend ko at may isa siyang anak. Hindi na nagpapakita sa kanya ang ex niyang ama nu’ng bata. Compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan kahit maraming tutol sa aming pagmamahalan, lalo na sa side ko? Mahal na mahal ko siya at siya na ang gusto kong makatuluyan. August 5, 1988 ang birthday ko at November 26, 1996 naman ang girlfriend ko.
Umaasa,
Mr. Leo ng Duale, Limay, Bataan
Dear Mr. Leo,
Ayon sa zodiac sign mong Leo at Sagittarius naman ang girlfriend mo, compatible ang inyong zodiac signs dahil ang Leo at Sagittarius ay kapwa nagtataglay ng elementong fire, na nagkataon pang sa Numerology, ang birth date mong 5 ay sadyang tugmang-tugma rin naman sa birth date na 26 o 8 (2+6=8) ng girlfriend mo.
Dahil tugma ang pag-iibigan n’yo sa aspetong Numerology at Astrology, malaki ang posibilidad na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, kayo na ang nagkatuluyan at ang bubuuin n’yong relasyon o pamilya ay tuluy-tuloy na rin sa maunlad at maligayang samahan habambuhay.
Sa sandaling kayo ang nagkatuluyan, piliin lamang ang kulay na berde, dilaw o pink para sa motif ng inyong kasal, piliin din ang nasabing mga kulay sa loob at labas ng inyong bahay. Sa ganyang paraan, habang nagmamahalan at nagkakaunawaan kayo, tuluy-tuloy din ang dating ng suwerte at magandang kapalaran, lalong-lalo na sa aspetong pananalapi at materyal na bagay.
Ibig sabihin, magkaroon man ng maraming hadlang ang inyong relasyon tulad ng nararanasan mo ngayon, sa bandang huli ay walang magagawa ang mga kontrabida sa inyong pag-iibigan dahil tulad ng nasabi na, kayo na ang itinakda ng kapalaran upang makagtuluyan. Ayon sa iyong Love Calendar, nakatakdang mangyayari sa 2021 sa edad mong 32 pataas at 25 naman ang girlfriend mo.




Comments