top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Singer, tuloy sa paghingi ng dasal… LOLA NI ANGELINE, INOPERAHAN SA UTAK, 'DI PA RIN NAGIGISING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 19, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 19, 2020




“Ate Reg, sana po, tulungan ninyo ako sa patuloy na pagdadasal para kay Mama Bob," ito ang bungad sa amin ni Angeline Quinto nang kumustahin namin siya at ang lola niyang nasa hospital pa rin.


Nakita namin ang lumang larawan nina Mama Bob at Angeline na ipinost niya sa kanyang Facebook page na nagdi-dinner sila.


Ang caption ng dalagang mang-aawit, “I miss you Ma. Ulitin natin ito paggaling mo, ha? Palakas ka, Mama Bob. I love you very much. Ipinagdarasal ka namin lahat.”


Nasulat namin dito sa Bulgar noong nakaraang linggo na nahilo at nagsusuka si Mama Bob habang patungo sila ng Tagaytay ni Angeline para mamili ng karneng baka, pero hindi na nangyari dahil itinakbo na nga ito sa Sta. Rosa Hospital at dito nalaman na may namuong dugo na kailangang operahan kaagad.


Hindi naman nagdalawang-isip si Angge (tawag namin sa kanya) at kaagad sumalang sa operasyon ang kanyang Mama Bob kaya Setyembre 10 at 11 ay humingi na ng panalangin ang dalaga para sa kaligtasan ng lola.


Successful ang operasyon ni Mama Bob at nagising na siya pagkatapos ng tatlong araw, pero ayon kay Angeline, “Nagpapagaling pa po siya galing sa operasyon sa brain po. Sana po, magtuluy-tuloy po ang paglakas at paggaling ni Mama Bob.


“Sana po, magising na siya ulit dahil mas madalas po tulog siya, pero naididilat po ang mga mata minsan. Sa awa po ng Panginoon,” kuwento ni Angge.


Hindi umaalis ng hospital si Angeline mula nang ma-admit si Mama Bob.


“Opo, Ate Reg, lagi po ako sa hospital, hindi rin po ako umuuwi kasi hindi rin ako makatulog sa bahay.”


Pinayuhan din naming magpahinga si Angeline at kailangang mag-ingat dahil bawal siyang magkasakit.


“Opo, Ate Reg, salamat po,” sagot niya sa amin.


Patuloy pa ring humihingi ng panalangin si Angeline para mapabilis ang paggaling ng pinakamamahal niyang si Mama Bob.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page