top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Sinampal ang kapitbahay na tsismosa, pahiwatig na pinagpaplanuhan ng masama

  • BULGAR
  • Jul 13, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 12, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laura ng Imus, Cavite.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nag-away kami ng kapitbahay kong tsismosa. Sinabunutan niya ako, tapos sinampal ko naman siya nang malakas.


Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Laura


Sa iyo, Laura,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay mag-aaway kayo ng kaibigan mo dahil sa isang bagay na hindi n’yo mapagkasunduan at walang sinumang magpapatalo. Hindi rin siya papayag na mangyari ang gusto mo.


Samantala, ang sabi mo ay gumanti ka at sinampal mo siya. Ito ay nangangahulugan na isa sa mga kapitbahay mo ay nagbabalak ng hindi maganda laban sa iyo, kaya talasan mo ang iyong pakiramdam. Bigla ka na lang niyang susugurin at may posibilidad pa na saktan ka niya. Maging maingat ka at maging mapagamasid sa paligid. Hindi maganda ang sitwasyon d’yan sa kapaligiran mo.


Ugaliin mo ring magdasal bago umalis ng bahay para sa iyong kaligtasan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page