Simbang Gabi, oks, Christmas party bawal pa rin
- BULGAR

- Oct 20, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 20, 2020

Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na wala munang isasagawang Christmas party sa buong rehiyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Saad ni Interior Secretary Eduardo Año, "Bawal po talaga ang Christmas party. Hindi papayagan 'yung Christmas party habang ganito po 'yung ating sitwasyon.”
Gayunpaman, pinapayagan na ang operasyon ng mga simbahan at aprub na rin ang pagsasagawa ng Simbang Gabi kung saan 30% capacity na ang maaaring tanggapin kada misa.
Ayon din kay Año, 12 AM hanggang 4 AM ang bagong curfew hours maliban sa Navotas City.
Maaari na ring lumabas ang mga 18 hanggang 65-anyos sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Sa mga lugar naman na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), maaari nang lumabas ang mga edad 15 hanggang 65.





Comments