Silver coins, simbolo ng malaking kita sa negosyo
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 15, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joanna ng Bohol.
Dear Maestra,
Isa akong negosyante. Kakabukas lang ng bago kong negosyo na may kaugnayan sa ready to wear (RTW) na mga damit.
Napanaginipan ko na nag-shopping ako sa bagong bukas na mall sa amin, tapos bumili ako ng mga silk na damit. Pagkatapos nu’n, pumunta ako sa counter para magbayad at puro silver coins ang ipinambayad ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Joanna
Sa iyo, Joanna,
Ang ibig sabihin ng nag-shopping ka sa isang malaking mall sa inyo ay tagumpay sa negosyo, masaganang pamumuhay at kaligayahan sa tahanan sa piling ng iyong mga mahal sa buhay. Ang silk na damit naman na binili mo ay nagpapahiwatig ng magandang kapalaran kung saan susuwertehin ka sa darating na mga araw.
Samantala, ang mga silver coins na ibinayad mo ay nangangahulugan na kikita ka ng malaki sa iyong negosyo. Mababawi mo ang iyong puhunan at madodoble pa ang kita mo araw-araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments