top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sikat ng araw, pahiwatig ng tagumpay sa negosyo at love life

BULGAR
Apr 27, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 27, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Nais kong magpaanalisa sa inyo ng panaginip ko. Napanaginipan ko na sa halip na mainit na kape ang inumin ko sa umaga, tsaa ang tinimpla ko, tapos pumunta ako sa terrace namin upang du’n mag-tsaa. Kitang-kita ko ang maaliwalas at napakagandang sikat ng araw. Gayundin, nagniningning ito sa liwanag.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jonathan


Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na uminom ka ng tsaa sa umaga sa halip na kape ay may paparating na problema sa buhay mo. Labis kang mag-aalala at hindi mo malaman ang gagawin, subalit kung magiging malinaw ang iyong isipan at hindi gaanong mag-aalala, malalagpasan mo ang naturang problema.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng magandang sikat ng araw na kitang-kita mo sa terrace ng bahay mo ay tagumpay sa negosyo at kaligayahan sa larangan ng pag-ibig. Ito rin ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang magandang balita na magiging simula ng iyong pagyaman.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page