top of page

Sign na yayaman at sisikat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 30, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagluluksa kami dahil sa biglaang pagkamatay ng daddy ko. Iyak ako nang iyak dahil ako ang favorite daughter niya. Nang ilibing siya, hindi lahat nakaitim gaya ng nakaugalian ng pamilya namin tuwing may patay, at karamihan sa kanila ay nakaputi.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,Lorry

 

Sa iyo, Lorry,


Ang napanaginipan mo na nagluluksa kayo dahil sa pagkamatay ng daddy mo, ito ay nangangahulugan na lahat ng magagandang bagay na minimithi mo ay mapapasaiyo.


Gaya ng kayamanan, katanyagan at mabuting kalusugan. Magsaya at magalak ka dahil paparating na ang suwerte mo.Ang iyak ka nang iyak dahil ikaw ang paboritong anak ng daddy mo ay nagpapahiwatig ng kaligayahan sa piling ng mga mahal mo sa buhay. Ito rin ay senyales na lahat ng problemang gumugulo sa isip mo ay magkakaroon na ng kalutasan. Dahil dyan, iimbitahan mo ang mga kaibigan mo upang makisaya sa isang masaganang salu-salo na ihahanda mo.Samantala, ang kulay itim na suot ng mga nakipaglibing ay sign ng kaligayahan. Ang puti naman ay nagpapahiwatig na gusto mo nang magpahinga dahil pagod na pagod ka na. Ito rin ay tanda na may busilak kang kalooban at minsan ay sumagi na sa iyong isipan na maglingkod sa simbahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page