top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Sign na yayaman at liligaya dahil sa angking kasipagan

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 16, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Remy ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal ako sa mall, bumili ako ng kuwintas na mayroong batong hiyas na perlas at pabango. Matapos nu’n ay nanood ako ng mga peacock na siyang tampok na palabas nu’ng araw na ‘yun.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Remy


Sa iyo, Remy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal ka sa mall, bumili ka nang kuwintas na may batong hiyas na perlas, ay kaligayahan at kasaganahan bunga ng iyong pagpupunyagi sa buhay.


Yayaman at liligaya ka dahil sa kasipagan at pagiging matiyaga mo sa iyong trabaho.


Ang bumili ka rin ng pabango, ay nangangahulugan ng tagumpay sa lahat ng iyong pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.


Samantala, ang nanood ka rin ng mga peacock na siyang tampok na palabas sa mall, ay nagpapahiwatig ng matatag na kalagayan sa iyong pinapasukan.


Kung bata ka pa at wala pang dyowa, ito ay nagpapahiwatig na makikilala mo na ang magiging kabiyak. Siya ay mayaman at kilala sa lipunan, magiging masaya ang inyong pagsasama, at bibiyayaan kayo ng maraming mga anak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page