Sign na uunlad at yayaman
- BULGAR
- Oct 7, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 07, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Nakatira ako malapit sa gubat, madalas ay nanghuhuli ako ng mga hayop at binibenta ko ito.
Napanaginipan ko na nakatayo ako sa ilalim ng puno. Wala ng dahon ang puno dahil old tree ito at tuyo’t na rin ang mga sanga.
Hindi ko napansin na ang dami palang langgam sa paanan ko, at maya-maya ay may dumaang iba't ibang uri ng mga hayop.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Danilo
Sa iyo, Danilo,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatayo ka sa puno, mahihirapan kang abutin ang iyong pinapangarap. Dadaan ka muna sa maraming pagsubok at matinding kahirapan bago mo ito mapagtagumpayan.
Ang langgam ay pahiwatig na marami kang kakaharaping sagabal sa lugar ang iyong pupuntahan. Gayunman, titiisin mo ito upang umunlad at yumaman ka.
Samantala, ang iba't ibang hayop, ay nagpapahiwatig na ang buhay mo ay punumpuno ng pagtitiis at kahirapan.
Maraming pagsubok ang mararanasan mo. Ngunit, malalagpasan mo rin ang pagsubok na ito at sa bandang huli, yayaman at uunlad din ang iyong buhay kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments