Sign na mabibiyayaan ng lalaking supling
- BULGAR

- Sep 21, 2024
- 1 min read
ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 21, 2024
Dear Maestra,
Ano ang ibig sabihin kapag madalas mong napapanaginipan ang mga damit at bata?
Naghihintay,
Jesusa
Sa iyo, Jesusa,
Ang ibig sabihin kapag napapanaginipan ang damit ay depende kung ano’ng klaseng damit.
Kung sa panaginip mo nakasuot ka ng bagong damit, ito ay babala ng kahirapan at kakulangan sa mga bagay na kinakailangan mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Kung ang damit naman na suot mo ay luma na at para ng basahan kung titingnan, ito naman ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka, at magiging isa ka sa pinakamayaman sa lugar n’yo.
Kung napanaginipan mo naman na nananahi ka ng damit, ito ay senyales na magkaka-baby ka na, at ito ay isang lalaki.
Samantala, ang mga bata ay nagpapahiwatig na magiging matagumpay ang negosyo mo at liligaya ka rin kasama ang iyong pamilya
.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments