top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sign na kailangan nang mag-resign

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 28, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako na nakapaa papuntang palengke na malapit sa aming bahay. May dala akong basket at pinuno ko ito ng laman. Kung anu-ano ang pinamili ko para lang mapuno ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gloria


Sa iyo, Gloria,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka ng nakapaa papuntang palengke na malapit sa inyo, ay nagpapaalala na dapat ka nang lumipat sa pinapasukan mong trabaho. Umalis ka na sa kasalukuyang kumpanyang pinaglilingkuran mo. May mga lihim na naiinggit sa iyo sa kumpanyang iyong pinapasukan, at may binabalak silang hindi maganda laban sa iyo.


Samantala, ang basket na dala mo kung wala pa itong laman, kabiguan ang ipinahihiwatig nito.


Mabibigo ka sa mga hinahangad mo sa buhay. Subalit, dahil ito ay pinuno mo ng kung anu-ano, ito ay nangangahulugan na gagawin mo ang lahat upang makamit mo ang iyong mga pangarap.


Hindi ka susuko gaano man kabigat ang mga pagsubok na iyong kakaharapin. Dahil dyan, may naghihintay sa iyo na isang malaking tagumpay at pagpapala sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Esrtellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page