Sign na habambuhay ng magiging single mom
- BULGAR
- Nov 19, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 19, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gemma ng Albay.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na umiiyak ang baby ko. Magtitimpla sana ako ng gatas pero ubos na pala ito. Sumakay ako sa kotse para lumabas at bumili ng gatas. Pagdating ko sa tindahan, may nakilala akong binata, at nagkagusto umano ito sa akin. Nag-usap kami sandali at umuwi rin agad ako. Pinainom ko agad ang baby ko, tumigil na siya sa pag-iyak at tumawa na nang tumawa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gemma
Sa iyo, Gemma,
Ang panaginip mo na umiyak ang baby mo, magtitimpla ka sana ng gatas pero ubos na, ito ay nagpapahiwatig na may paparating na kalungkutan sa buhay mo at madadagdag pa ang mga problema mo sa kasalukuyan. Ang sumakay ka sa kotse para bumili ng gatas ay nagpapahiwatig na maaari kang makaranas ng matitinding pagsubok at paghihirap sa buhay. Magiging mailap ang pera sa iyo at kakapusin ka lagi sa budget.
Ang tumigil sa pag-iyak ang baby mo dahil binigyan mo na siya ng gatas, tumawa siya nang tumawa ay nangangahulugang marami kang tapat at maaasahang kaibigan na handang dumamay sa iyo. Samantala, ang may nakilala kang binata, nagkagusto siya sa iyo at nag-usap kayo ay senyales na may posibilidad na maging solo parent ka habambuhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments