Sigla ng ekonomiya, bumabalik na, kayod pa more!
@Editorial | March 28, 2022
Bagama't may inaasahan na namang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo, masasabi umanong bumalik na ang sigla ng ekonomiya ng 'Pinas.
Ito ay makalipas ang dalawang taon na nasa ilalim ng COVID-19 pandemic ang bansa.
Kasabay ng pagluwag sa alert level status sa mga nakalipas na buwan ay nakakabalik na sa pre-pandemic volume ang dami ng tao sa mga pamilihan. Tuloy ang pagbebenta, bumalik na ang mga suki at buhay na buhay ang negosyo.
Sa kabila nito, at dahil pa rin sa banta ng COVID, posibleng hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte tatagal ang Alert Level 1 sa bansa.
Todo-kayod din ang mga mamamayan. Lahat ng puwedeng mapagkakitaan ay pinapasok na. Talagang lahat ay gustong makabawi at makatulong sa ekonomiya ng bansa.
Nakakatulong din ang mga programa, proyekto at ayuda mula sa gobyerno at pribadong sektor.
Kailangan lang talagang maging positibo ang pananaw at samahan ng gawa. At ang ating pagsisikap ay hindi matatapos sa pandemya, tayo ay patuloy na magpapa-unlad para sa ating pamilya at bayan.
Humaharap man tayo ngayon sa matinding krisis at banta, kayang-kaya 'yan!



Comments