top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Si Kris lang daw ang inaabangan sa TV… HIRIT NG NETIZEN: BAGONG SHOW NI POKWANG, BASURA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2020
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 9, 2020




Hindi nagustuhan ni Pokwang ang reaksiyon ng ilang netizens nang ilabas ng TV5 — o One TV na ngayon — sa kanilang social media account ang mga bagong shows na kanilang ipapalabas.


Komento ng netizen, ang tanging kaabang-abang lang na magandang panoorin sa kanilang network ay ang programa ni Kris Aquino. Ang ibang shows daw ay 'di na kaaya-ayang panoorin dahil pawang basura naman.


Hindi nakatiis ang komedyana at sagot niya, kung 'yun daw ang opinion ng basher ay wala siyang magagawa, pero lagi raw tatandaan na may pera sa basura.


"Pagmasdan mo paligid mo, iho, may virus na kumikitil ng buhay, may mga taong nawalan ng trabaho, may mga sumasabog na bulkan at mga nagugutom. Be grateful, iho, kasi malusog ka at may oras ngumiti at iyon ang layunin ng mga shows na basurang sinasabi mo..."


Pahabol pa ng komedyanang aktres, "It's ok, mahal ko din si @krisaquino. Don't worry, mapapanood mo rin siya soon, may inaayos lang at walang makakapigil kay Queen of all Media. Nag-iisa siya kaya 'ika nga, save the best for last."


Totoong marami na ang nag-aabang sa pagbabalik-TV ni Kris, pero tama rin ang sinabi ng former Kapamilya actress-comedienne, panoorin muna ang programang sinasabing basura ng mga bashers.


Sa panahon ng pandemya, kailangang maging positibo sa lahat ng bagay. Kasiyahan ang dulot nila para sa mga viewers at hindi kalungkutan.


Excited na si Pokwang sa kanilang morning talk show kasama sina Pauleen Luna at Ria Atayde.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page