top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Shortage sa itlog, posible sa Disyembre o Enero

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | November 25, 2021



Posible umanong magkaroon ng shortage sa supply ng itlog sa Disyembre o sa Enero 2022.


Bagama't sobra-sobra raw ang supply ng itlog sa bansa ngayon ay nalulugi na sila dahil sa halos dobleng pagtaas ng presyo ng feed inputs na pinapakain sa mga manok tulad ng soya, mais, at coconut oil, ayon sa Egg Council of the Philippines.


Dahil dito ay nagbabawas na umano ang mga farm ng 40% ng mga alaga nito.


"Nagpoproduce ako ng mga 200,000 itlog araw-araw, eh nalulugi ako ng P300,000 araw-araw. Hindi namin kayang i-sustain yan kaya nagbabawas ako ng alaga. Nagcull na ako, apat na building na ang tinanggal ko so ibig sabihin nasa 40,000 ang paitlugin na tinanggal ko dahil ang dami mong alaga ang laki ng iyong nalulugi," ani Nicanor Briones, chairman ng grupo. 


Pahayag naman ng Philippine Egg Board Association, posibleng magka-shortage ng supply dahil sa dami ng nagbabawas ng paiitluging manok. 


"Historically ‘pah ganu’n after a few months or few weeks pwedeng mag-kashortage or usually nagkaka-shortage, tapos inaanticipate din natin na dahil Christmas season tataas din ang demand for just like other food items," ayon sa pinuno nilang si Irwin Ambal. 


Samantala, bagaman wala pang shortage ay dama na ang pagtaas ng presyo nang hanggang P0.50 kada piraso sa mga itlog, depende sa sukat nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page