Search
  • BULGAR

She's really baaack!... KRIS, INALOK ANG SARILI, GUSTONG MAGSAMA SILA NI RAFFY

@Showbiz Special | July 31, 2020




Speaking of Raffy Tulfo, napanood namin ang short conversation nila ni Kris Aquino sa video clip na ipinost ng bagong Kapatid star sa kanyang Instagram account.


"I'm a fan," ang bungad ni Kris sa face-to-face nila ni Raffy sa studio ng TV5, na sinagot naman ng huli ng "I'm a fan too."


Kasunod nito ang papuri ni Raffy kay Kris ng "Mas magandang-maganda ka pala sa personal, 'no?" na ang buong-ningning naman at wa' na kiyemeng pag-claim ni Kris, "Yeah, true!"


O, devah, si Kris talaga 'yan at 'di fake lang! Charot!


Pagkatapos ipakilala ni Raffy ang mga staff niya kay Kris, diretsahang pag-aalok ng Queen of All Media ng sarili niya sa respetadong TV host, "You're on my wish list. Gusto ko talagang magka-talk show with you. Sana mangyari."


"Wow, let's see," lang ang isinagot ni Idol Raffy.


Oh, eh, di let's see! Pero for now, unahin mo muna ang iyong Love Life with Kris, ha, Krissy?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.