Search
  • BULGAR

Septic tank cleaning ng Maynilad, balik-serbisyo mula July 1, 2020!

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | June 24, 2020




Hello, Bulgarians! Good news para sa mga kababayan natin mula sa NCR, dahil ang septic tank cleaning o desludging service ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ay magbabalik simula July 1, 2020!


Nakapaghanda na ang Maynilad sa “new normal” at mga protocol sa pagsasagawa ng desludging service kaya naman, walang dapat ikabahala ang mga magpapalinis ng kanilang septic tank.


Sa kanilang protocol, kinakailangan na ang lahat ng desludging personnel at vacuum truck unit operators ay sumailalim sa antibody screening test sa Delos Santos Medical Center ng MPIC Hospital Group. Kinakailangan din nilang magsuot ng personal protective equipment (PPE), magkaroon ng physical distancing at extra disinfection procedure para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


“Para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng ating customer, istriktong guidelines ang ipinatupad natin habang ginagawa ang paglilinis ng kanilang septic tank. Inaanyayahan ko rin ang lahat ng customer na kumuha ng serbisyong ito dahil nakatutulong ito sa paglinis at pagprotekta sa kanilang pamilya laban sa virus”, bahagi ni Maynilad COO Randy T. Estrellado.


Maaaring kumuha ng desludging service ang mga residente ng Bgy. Apolonio Samson, Balingasa, Damayan, Del Monte, Kaligayagan, Maharlika, Manresa, Novaliches Proper, NS Amoranto, Pag-ibig sa Nayon, Pasong Putik, San Antonio at Sienna sa Quezon City; Bgy. Balangkas, Bignay, Gen. T. de Leon, Lingunan at Pasolo sa Valenzuela at Bgy. San Rafael sa Pasay City.


Samantala, maaari namang mag-avail ng septic tank cleaning service ang mga residente ng Cavite province, partikular sa Bgy. Alapan I-C, Anabu I-B to I-F, Anabu II-A to II-F, Bayan Luma V, VI at IX, Bucandala III to V, Palico I at Pasong Buaya I at II sa Imus City; Bgy. Samala-Marquez sa Kawit, Cavite at Bgy. Poblacion sa Rosario. Paalala ng Maynilad, ito ay libre at makatitipid ng halos Php5, 000.


Para sa mga interesado, maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 o bisitahin ang kanilang website sa www.mayniladwater.com.ph para sa iba pang detalye. Maaari ring bisitahin ang kanilang social media accounts (Twitter: @maynilad, Facebook: /MayniladWater).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.