top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Senyales ng maginhawang buhay

BULGAR
Jul 28, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 28, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ramon ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Matagal nang patay ang tatay ko, pero napanaginipan ko siya.


Nagpakita lang siya, pero wala namang sinabi. Napanaginipan ko rin ang nanay ko noong isang araw, pero buhay pa siya. Binigyan niya naman ako ng basket na punumpuno ng prutas.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Ramon



Sa iyo, Ramon,


Ang ibig sabihin ng napanaginipan mo ang yumao mong ama ay magiging maayos ang lahat ng plano mo sa buhay. Subalit, ang sabi mo ay matagal nang patay ang tatay mo. Ito ay nangangahulugan na masasangkot ka sa isang gulo, pero huwag kang mabahala dahil may tutulong sa iyo.


Samantala, tungkol naman sa nanay mo na napanaginipan mo, tapos binigyan ka niya ng basket na punumpuno ng mga prutas ay nangangahulugan ng kaginhawahan sa buhay na darating sa iyo nang hindi mo inaasahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page