Senyales na may makikilalang maganda at mayamang babae
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 26, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Oliver ng Bataan.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nag-aabang ako ng taxi. May dumating naman, pero ang sabi ng driver, hindi na niya kayang mag-drive nang malayo dahil medyo masama ang pakiramdam niya. Kaya ang sabi niya, ako na lang ang mag-drive at dahil marunong naman akong magmaneho, pumayag ako. Ako mismo ang nag-drive ng taxi papunta sa patutunguhan ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Oliver
Sa iyo, Oliver,
Ang ibig sabihin ng nag-aabang ka ng taxi at may dumating naman habang ikaw ay naghihintay, maglalakbay ka sa malayong lugar. Gayunman, hindi magiging maganda ang paglalakbay mo dahil makakaranas ka ng mga sagabal bago ka makarating sa iyong patutunguhan.
Samantala, ang sabi mo ay masama pakiramdam ng taxi driver kaya ikaw ang nagmaneho ng taxi. Ito ay nagpapahiwatig na may makikilala kang mayaman, maganda at maimpluwensiyang babae na makakapagpaligaya sa iyo at posibleng makarelasyon mo. Magiging maligaya ka sa piling niya at posibleng magkatuluyan kayo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments