top of page

Senyales na may gantimpalang nakalaan dahil sa pagsasakripisyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 1, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Richard ng Zambales.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na pumunta ako sa department store. May nakita akong magandang sombrero. Type ko ang design nito kaya dalawa na agad ang binili ko, at bumili rin ako ng polo shirt na may linen, isang kulay white at tatlong colored.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay, Richard


Sa iyo, Richard,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa department store, bumili ka ng sombrero, nagustuhan mo ito dahil sa magandang design, ay matutupad na ang pinakamimithi mo sa buhay.


Makakamit mo na ang matagal mo nang pinapangarap, at susuwertehin ka rin sa bagong negosyo mo.

Samantala, ang dalawang sombrero na binili mo ay nangangahulugang may ugali ka na pabagu-bago kung magdesisyon. Iwasan mo ang ganitong pag-uugali. Kung ano ang una mong desisyon, ‘yun na dapat ang sundin mo, at huwag mo na itong baguhin pa. Guided ka ng holy spirit kung susundin mo ang una mong desisyon.

Ang bumili ka rin ng polo shirt. Ang white linen ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang nakakagulat na magandang balita. Ang colored linen naman ay tanda na may mamanahin kang malaking halaga mula sa iyong namayapang mahal sa buhay. Ang tatlong colored linen ay senyales din na may gantimpalang nakalaan sa’yo dahil sa mga sakripisyong ginagawa mo para sa iyong pamilya.

Matapat na sumasaiyo, Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page