top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Senyales na makakapangibang-bansa at gaganda ang buhay

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 7, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 7, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Maricel ng Valenzuela City.


Dear Maestra,


Magandang buhay sa inyo r’yan sa Bulgar. Isa akong saleslady dito sa department store malapit sa amin.


Napanaginipan ko na nasa loob ako ng store namin, may malaking gagamba akong nakita malapit sa aking upuan, hindi ko ito pinansin, at lumabas ako ng store para magmeryenda.


Napatingin ako sa langit, ang daming lumilipad na pipit. Ang ganda nitong tingnan, at nasiyahan ako sa panonood sa kanila.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Maricel

Sa iyo, Maricel,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa loob ka ng store na kung saan ka nagtatrabaho ay komportableng pamumuhay. Nabibili mo na lahat ng iyong nais bilhin, at hindi ka na kakapusin pa.


Ang nakakita ka ng malaking gagamba malapit sa upuan mo, ay nagpapahiwatig ng malaking suwerte ang darating sa buhay mo at hindi ka makakapaniwala sa napakagandang kapalarang makakamit mo.


Samantala, ang napatingin ka sa langit at ang daming nagliliparang pipit, ay nangangahulugan ng paglalakbay sa malayong lugar, makakapag-abroad ka na.


Maganda ang magiging kapalaran mo ru’n, at magiging masaya ka sa lugar na pupuntahan mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page