top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Senyales na mahihirapang mag-adjust sa magagandang pagbabago sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2022
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 21, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joseph ng Mandaluyong.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa maayos kayong kalagayan, ligtas sa kapahamakan at malusog ang katawan sa sandaling mabasa n’yo ang panaginip ko. Suki ako ng column n’yo dahil hanga ako sa galing n’yo sa pag-aanalisa ng mga panaginip. Dahil d’yan, muli akong sumasangguni sa inyo.


Napanaginipan ko na nagpapalipad ako ng saranggola, tapos tumaas ito nang tumaas hanggang sumabit ito sa puno. Kumuha ako ng hagdan upang kunin ang saranggola, pero nang nasa itaas na ako ng hagdan, bigla akong nahilo dahil nasira ang hagdan, hanggang sa tuluyan akong bumagsak.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joseph

Sa iyo, Joseph,


Ang nagpapalipad ka ng saranggola ay nangangahulugan na magkakamit ka ng karangalan at mapo-promote ka sa pinakamataas na posisyon sa iyong pinapasukan.


Maganda rin ang ipinahihiwatig nito sa love life mo, ibig sabihin, susuwertehin ka sa pag-ibig. Nangangahulugan din ito na maglalakbay ka sa iba’t ibang lugar upang palaguin ang negosyo mo.


Samantala, ang sabi mo ay sumabit ang saranggola sa puno, kaya kumuha ka ng hagdan para kunin ito hanggang marating mo ang itaas. Nagpapahiwatig ito ng mabuting kapalaran sa pag-ibig, trabaho at maging sa negosyo. Subalit ang sabi mo ay nahilo at nahulog ka,

nangangahulugan ito na hindi mo ka agad makapag-a-adjust sa karangalang iyong natamo, sa pag-unlad ng negosyo mo at maging sa larangan ng pag-ibig. Maninibago ka sa sitwasyon dahil hindi mo inakala na sabay-sabay ang suwerteng dumating sa buhay mo.


Dahil d’yan, may posibilidad na bumalik ka sa dati mong kalagayan noong panahong hindi mo pa nakakamit ang tagumpay.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng nasira ang hagdan at nahulog ka, disaster o kawalan ng pag-asa sa katuparan ng iyong mga pinapangarap. Ito rin ay nagbabadya ng kahinaan ng loob at hindi positibong pananaw na magiging hadlang sa tuloy-tuloy na pag-asenso mo sa buhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page