top of page

Senyales na mabibigo pero magtatagumpay din

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 31, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Marlon na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Umakyat ako sa second floor namin, tapos nahulog ako pero hindi naman sa sahig kasi nakaharap ako bago ako tuluyang nahulog.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko, para kasi akong nalungkot, eh?

Naghihintay,

Marlon


Sa iyo Marlon,


Okey lang ang mahulog, lalo na kapag ang pag-uusapan ay kung magtatagumpay sa buhay ang isang tao.


Alam mo, iho, lahat ng nagtagumpay ay may kani-kanyang kuwento ng buhay at ang pangkaraniwang kuwento ay nabigo sila, minsan dalawa, tatlo at ang iba pa ay maraming kabiguan ang dinanas bago nagtagumpay.


Ang isa pa sa kuwento ng buhay nila ay ang hindi nasira ang kanilang diskarte nang dahil lang nakakaranas sila ng mga kabiguan. Ang pahabol na kuwento ng buhay nila ay sa kanilang ng kabiguan, muli nilang sinikap na matupad ang kanilang pangarap.


Malinaw na sa iyong panaginip ay makakaranas ka ng kabiguan, pero ang kabiguang ito ay hindi sapat para umayaw ka.


Gayundin, malinaw sa iyong panaginip na kaya ka mapabibilang sa nagtagumpay ay dahil sa ginawa mong pagharap nang ikaw ay malaglag.


Huwag kang malungkot, ang kabiguan ay pansamantalang pagkaantala ng tagumpay at ito ang ibaon mo sa isipan mo. Muli, ang kabiguan ay pagkaantala lang sa tagumpay.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page