Senyales na aahon sa pinansiyal na problema at magiging masaya
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 29, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donrald ng Masbate.
Dear Maestra,
Isa ako sa tagahanga ng kolum n’yo dahil nasisiyahan akong basahin ang pag-aanalisa n’yo sa mga panaginip na ipinadadala sa inyo. Dahil d’yan, gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na nagluluto ako, pero ang gamit kong kalan ay de-uling. Bumili ako ng maraming uling para magpakulo ng kape. Sarap na sarap ako sa kape na pinakuluan ko gamit ang kalan de-uling.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Donrald
Sa iyo, Donrald,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng maraming uling upang gamitin sa kalan ay magiging abala ka sa dami ng trabaho na dapat mong tapusin. Ito ay magbibigay sa iyo ng malaking kita. Gayundin, madadagdagan ang income mo sa darating na mga araw at unti-unti ka nang makakaahon sa pinansiyal mong problema.
Samantala, ang ibig sabihin naman ng kape na pinakuluan mo sa kalan de-uling at sarap na sarap ka sa pag-inom nito ay magiging maligaya ka sa mga susunod na araw.
Mawawala na ang pag-aalala sa isip mo at liligaya ka na sa piling ng mga mahal mo sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments