Senior at mga bata, payagan na sa Boracay, inihihirit
- BULGAR

- Sep 24, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 24, 2020

Bubuksan na muli sa mga turista ang Boracay sa October 1 at nais ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo–Puyat na alisin na ang age restrictions sa mga bibisita sa naturang lugar.
Aniya, "Hihingin din namin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na wala nang age restriction, kahit na iyong above 60 at below 20 ay papayagan na rin kasi ‘di ba, ang mga Pilipino, nagta-travel iyan as a family?
"Aside from puwede ang mga taga-general community quarantine (GCQ) lumipad na sa Boracay, hihingin namin na alisin ang age restriction."
Samantala, sa mga nais bumisita sa Boracay, kailangan ang negative PCR coronavirus test result mula 48 hanggang 72 oras bago bumiyahe papunta sa naturang lugar. Kailangan ding magsuot ng anti-virus masks sa lahat ng oras at sumunod sa physical distancing.





Comments