Sen. Tulfo, galit sa made in China jeep na ipapalit sa dyip na gawang Pinoy
- BULGAR
- Mar 7, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 7, 2023
MAGAGALIT TALAGA SI SEN. RAFFY TULFO DAHIL GAWANG PINOY ANG MGA TRADITIONAL JEEP, TAPOS ANG IPAPALIT AY MODERN-JEEP NA MADE-IN-CHINA—Umuusok sa galit si Sen. Raffy Tulfo sa plano ng pamahalaan na i-phaseout ang mga traditional jeepney dahil ayon sa Senador, hinahangaan sa ibang bansa ang ganda ng mga pampasaherong jeep sa Pilipinas, tapos gustong ibasura ng gobyerno ang mga sasakyang ito.
May dahilan talagang magalit si Sen. Tulfo dahil gawang Pinoy nga naman ang mga traditional jeepney, tapos ang gustong ipalit ng gobyerno ay mga modern jeep na made in China, period!
◘◘◘
BUTI PA SI P-BBM, GUSTONG MAKAHARAP ANG MGA TSUPER NG JEEP, PERO SI EX-P-DUTERTE, WALA RAW SIYANG PAKI—Mismong si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang nagsabi na handa siyang makipag-usap sa mga tsuper at operator ng traditional jeepney and UV express upang matigil ang inilunsad ng mga ito na tigil-pasada.
Buti pa si P-BBM, handang pakinggan ang hinaing ng mga driver at operator ng traditional jeepney at UV express, pero ‘yung tatay ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na si ex-P-Duterte, nang makiusap ang mahihirap na tsuper na huwag nang ituloy ang phaseout dahil mahirap lang sila at walang pambili ng modern jeepney, ito ang mga binitiwang salita ng dating presidente noong Oktubre 17, 2017, “Mahirap kayo? P***** i***, magtiis kayo sa hirap at gutom, wala akong pakialam!” Tsk!
◘◘◘
IMBES NA PAKINGGAN NI VP SARA ANG HINAING NG MGA TSUPER, NI-RED-TAG PA—Sabi ni VP, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio, ‘communist inspired’ daw ang isinagawang tigil-pasada ng mga tsuper at operator ng jeep at UV express.
Pambihira naman, imbes na pakinggan ni VP Sara ang hinaing ng mga tsuper at operator na huwag i-phaseout ang mga traditional jeepney at UV express, na huwag silang alisan ng hanapbuhay, eh aakushan pang mga komunista. Tsk!
◘◘◘
HATE NG MAG-AMANG DUTERTE ANG KOMUNISTANG PINOY, PERO BOW NAMAN SILA SA COMMUNIST CHINA—Sa totoo lang, ang hirap intindihin ng asal ng mag-amang VP Sara at ex-P-Duterte. Galit na galit sila sa mga inaakusahan nilang mga Pilipinong komunista, pero nakakiling naman sila sa China Communist Party (CCP).
Patunay d’yan na bilib na bilib si ex-P-Duterte kay Communist China Pres. Xi Jinping, at kung inyong matatandaan na noong alkalde pa si Sara ay isa pa siya sa naki-celebrate sa ika-70 anibersaryo ng Communist rule ng China na idinaos sa Davao City noong 2019. Boom!





Comments