Search
  • BULGAR

Sen. Grace Poe sinisisi ang NTC dahil sa mabagal na internet

ni Twincle Esquierdo - @News | June 26, 2020


Sinabi ni Sen. Grace Poe na ang NTC ay walang kakayanan malutas ang mabagal na internet sa Pilipinas. Noong 2018 mayroong 17,000 cell site ang Pilipinas habang ang Indonesia at Vietnam ay may 91,000 at 70,000 cell towers base sa data ng Globe Telecom.Napaka incompetent talaga ng regulator natin, I am sorry to say,” aniya "'Yung NTC, dapat talaga 'yan ang inaatupag nila. Iba ang inaatupag e. Hindi lang 'yan sa administrasyong ito, marami diyan carry over from the past" dagdag pa nito. Isinaad ni Sen. Grace Poe na ang kanyang kritisismo sa National Telecomunication (ntc) ay bunga ng napapanahong sistema ng edukasyon at kalagayan ng work-from-home status ng mga emplaydo sa iba’t ibang sector ito ay naging hakbang ng mga kumpanya sa paglimita ng kanilang mga empleyado sa kumalakamat na COVID-19 Ayon sa the Department of Information and Communications Technology (DICT) 250,000 Wifi spots at 47,000 cell sites ang itatayo sa mga susunod na taon.

“Telcos have yet to report how many new cell towers have been built in the last few years”, sabi ni Sen. Grace Poe

"Siguro kami na lang magpapa-report directly, monthly dito sa mga telco kung ano ang kanilang ginagawa at kung kailangan mag-file ng mga kaso sa kung kani-kanino," dagdag na nito

Ang Senate Committee on Public Services ni Poe ay inaasahang magsasagawa ng pagdinig sa susunod na linggo upang tingnan ang estado ng internet ng bansa sa panahon ng pandaigdigang pandemya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.