Search
  • BULGAR

Sen. Bong, todo-pasasalamat sa pakikiramay ni P-Duterte

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 27, 2020




Sa Facebook Live ni Sen. Bong Revilla, Jr., pinasalamatan niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinadala nitong bulaklak ng pakikiramay sa pagpanaw ng kanilang amang si Don Ramon Revilla, Sr.


Aniya, “Maraming salamat po kay Pangulong Duterte sa kanyang bulaklak ng pakikiramay na ipinadala rito. Thank you very much po, Mr. President.”


Pinasalamatan din ni Sen. Bong si Vice President Leni Robredo sa ipinadala rin nitong bulaklak.


Habang kinukunan ng video ni Sen. Bong ang kanyang amang si Don Ramon, aniya, “Para lang siyang natutulog.”


Saad pa ni Sen. Bong, “Sa lahat po ng mga nakikiramay, maraming maraming salamat po. Naiintindihan po namin ‘yung mga hindi po makarating dito because of covid. Medyo kailangan po talagang mag-ingat. Naiintindihan po namin kung wala man kayo. Siyempre mabuti po ‘yung nag-iingat. Kaya sa lahat po ng mga nakikiramay sa Facebook, thank you very much po sa inyong lahat.


“Dama po ng aking ama ang pagmamahal ng bawat isa sa inyo. Ang prayers na hiningi naming sa inyo nu’ng siya ay dumadaan sa mga matinding pagsubok, alam ko pong ibinigay n’yo lahat sa kanya ‘yun kaya maraming-maraming salamat po.


“From all over the world, ‘yung mga OFWs natin na nagdarasal para sa kanya, ‘yung mga kababayan natin from all over the country, thank you very much po sa inyong lahat. Mula po sa aming pamilya, pamilya Revilla, pamilya Bautista ang aming taos-pusong pasasalamat po.”


Lubos din ang pakikiramay ng BULGAR family sa mga naulila ni Don Ramon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.