top of page
Search
  • BULGAR

Semeru volcano sa Indonesia, nag-alburuto

ni Jasmin Joy Evangelista | December 5, 2021



Agad na lumikas ang mga residente malapit sa Semeru volcano sa Indonesia matapos nitong pumutok at magbuga ng usok at abo nitong Sabado.


Ang pagputok ay sinabayan pa ng pag-ulan na lalong nagtulak sa lava at debris na siya namang pinagmulan ng makapal na putik na sumira sa isang tulay na nagdudugtong sa main villages ng Pronojiwo at Candipuro.


“Thick columns of ash have turned several villages to darkness,” ani Lumajang district head Thoriqul Haq.


Sa ngayon ay patuloy ang paglikas at pagtatayo ng mga evacuation tents para sa mga mamamayan na apektado ng nasabing insidente.


Wala namang naitalang pinsala sa mga bahay at gusali at walang nasawi sa pag-aalburuto ng bulkan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page