top of page
Search
  • BULGAR

Seloso at mahigpit na bf, ‘di makakatuluyan

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 3, 2022




KATANUNGAN

  1. Noong hindi pa ako nagkaka-boyfriend, naiinip ako dahil akala ko ay masaya ang experience na ‘yun, pero nagkamali ako. Mula nang magka-boyfriend ako, palagi niya akong hinihigpitan, mas mahigpit pa siya sa mga magulang ko at super-seloso niya. Wala pang isang taon ang relasyon namin, pero feeling ko ay sinasakal niya na ako at gusto ko nang makalaya. Sinabi ko na masama ang loob ko sa kanya at gusto kong makipag-cool off.

  2. Ang problema, ayaw niyang pumayag at kung ano-ano ang mga sinasabi niya. Sabi niya, siguro ay totoo ang hinala niya na may iba akong boyfriend. Napakasarado kasi ng isip niya at hindi tumatanggap ng paliwanag. Kaya ang nangyari, tanggap man niya o hindi ang pakikipag-cool off, hindi ko na sinasagot ang mga text at tawag niya at kapag pumupunta siya sa amin ay hindi ako bumababa. Hanggang sa nakatanggap ako ng sulat mula sa kanya, humihingi siya ng sorry at sinabing mahal na mahal niya ako at magbabago na siya.

  3. Gusto kong malaman kung dapat ko pa bang tanggapin ulit ang lalaking ito o sagutin ko na ang iba kong manliligaw? Nasa guhit din ba ng palad ko na siya na ang nakatakda sa akin o may iba pang lalaki akong makakatuluyan?

KASAGUTAN

  1. Naalala ko ang sermon ng pari nang magsimba ako. Sabi niya, “Hindi natin nararamdaman o napapansin na napakaraming biyaya na bigay sa atin ng Diyos. Katulad ng buhay o life, ito ay biyaya na dapat nating ingatan at pakinabangan nang husto.” Ibig sabihin, mahalin mo ang buhay na bigay sa iyo ng Diyos, ‘wag mong aabusuhin at gamitin mo ito sa isang produktibo at kapaki-pakinabang na gawain.

  2. Ang time, oras o panahon ay isa ring biyaya, pero ang mga tamad ay inaaksaya ang oras o panahon na ibinigay ng Diyos. Ang dapat nating gawin ay sinupin ang mga oras at panahong ito na isang klase rin ng biyaya o grasya ng Diyos. Pero na-touch talaga ako nang sabihin ng pari na ang mga magulang ay biyaya ng Diyos para sa mga anak. Kaya lang, kadalasan ay mga magulang pa ang tila kontrabida sa buhay ng mga teenager na anak. Madalas kasi na ang mga magulang ang pumipigil sa mga anak na sumama sa barkada. Hindi nababatid ng mga kabataang ito na kaya naghihigpit ang mga magulang ay dahil iniingatan sila nito at mahal na mahal sila.

  3. Sabi pa ng pari, ang mga anak ay biyaya ng Diyos para sa mga magulang. Kaya dapat namang mahalin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Sa kabilang banda, ang mga kapatid ay biyaya rin, pero minsan, ang magkakapatid ay madalas matagpuang nag-aaway.

  4. Ang hindi nabanggit ng pari ay ang mga karelasyon ay biyaya rin ng Diyos, kaya habang may karelasyon ka, mahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Ingatan at ipaglaban mo siya, sapagkat binigyan ka ng biyaya ng Diyos na magkaroon ng kasintahan, samantalang ang ibang teenager d’yan, kahit ano’ng pagpapalandi o panliligaw ang gawin ay hindi nagkakaroon ng karelasyon. Samakatuwid, ikaw na may karelasyon, mahalin, ingatan at respetuhin mo siya, sapagkat siya ay biyaya ng Diyos para sa iyo.

  5. Kaya kapag nakaharap mo ang karelasyon mo matapos mong basahin ang artikulong ito, yakapin at pasalamatan mo siya at sabihing, “Ikaw ay biyaya sa akin ng Diyos na nagbibigay ng suwerte at kaligayahan – salamat sa iyo!”

  6. Samantala, Abigail, dahil nagkataong ang biyaya mo, tulad ng boyfriend mo ay walang kakuwenta-kuwenta dahil sa pagiging seloso at demanding, tama lang ang iyong desisyon na palayain siya. Ito rin ang nais sabihin ng medyo nalatid at pumangit na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi magiging maligaya o successful ang iyong first love o relationship. Sa halip, sa ikalawang pag-ibig, gumanda at naayos na ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.), mas magiging maligaya ka na at magkakaroon ng panatag at panghabambuhay na relasyon (Drawing A. at B. 1-M arrow c.).

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Abigail, matapos mong makipag-break sa kasalukuyan mong boyfriend, pagsapit ng buwan ng Disyembre, sa taong ding ito ng 2022, isang mabait at mabuting lalaki ang darating sa iyo na may zodiac sign na Gemini (Drawing A. at B. 1-M, arrow c.). Tulad ng nasabi na, mahalin at ingatan mo ang lalaking ito, gayundin, maging tapat ka sa kanya at walang sawa mo siyang paglingkuran dahil siya ang biyaya sa iyo ng Maykapal na nakatakda mong makasama habambuhay.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page