‘Selos’ ni Shaira Moro, ibabalik na sa streaming platforms
- BULGAR

- Apr 9, 2024
- 2 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 9, 2024

Inaasahan ang pagbabalik sa mga streaming platforms ng viral song ni Shaira Moro na "Selos."
Si Shaira Abdullah Alimudin a.k.a Shaira Moro ay sumikat sa pamamagitan ng Tiktok dahil sa kanyang mga kanta na "Selos" at "Forever Single" na naging viral at ngayo’y binansagan na siya bilang Queen of Bangsamoro Pop.
Sa isang video sa Facebook nitong Martes, ibinahagi niya na nagkaroon sila ng mapayapang negosasyon sa kampo ng Australian singer-songwriter na si Lenka, na nagresulta sa positibong progreso.
“Sa katunayan, naging mahinahon at mapayapa ang pag-uusap namin ng kampo ni Lenka at nauwi ito sa pagkakaroon ng kasunduan hinggil sa pamamaraan na muling paglabas ng kanta sa mga online streaming platforms,” pahayag ni Shaira.
“At ngayon nga, nais kong ihayag sa inyong lahat na malapit na po namin ibalik sa mga streaming platforms ang kantang ‘Selos’ kasabay na din po ng ibang kanta ng aming produksyon,” dagdag niya.
Nagbigay rin siya ng mensahe kay Lenka.
“I want to express my deepest gratitude to you and to your team for allowing me this opportunity. Thank you for the smoothest transaction that we had with your team. It was truly an honor to have been communicating with international companies such as yours,” ani Shaira.
Itinuturing ang "Selos" na isang viral hit sa internet, na pansamantalang inalis mula sa mga streaming platforms noong Marso dahil sa isyu ng copyright infringement. Sinabi naman ni Lenka na ang kanyang kampo ay kumuha na ng legal na aksyon laban kay Shaira dahil sa paggamit ng melody ng kanyang kanta na "Trouble is a Friend."
Kinumpirma ng AHS Channel na ang melody ng kanta ay talagang mula sa "Trouble is a Friend" at ngayo'y tinatrabaho nila upang gawing "official cover."
Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin si Shaira sa pagiging sikat ng "Selos" at sa mga oportunidad na binuksan nito para sa kanya.








Watching sports in 8K brings unmatched clarity and excitement, but buffering can ruin the experience. To enjoy seamless streaming, you need a reliable service like Nordic IPTV, which delivers high-quality channels with stable connections. Start by ensuring your internet speed is fast enough, ideally 100 Mbps or more. Use a wired Ethernet connection instead of Wi-Fi for maximum stability. Also, choose a streaming device that supports 8K resolution. With Nordic IPTV you can access live sports channels worldwide in crystal-clear quality, ensuring every detail of the game is smooth, sharp, and buffer-free. Experience sports like never before.