top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Security mark sa vaccination cards, madaliin na bago pa kumalat ang mga fake

BULGAR
Jul 11, 2021
1 min read

@Editorial | July 11, 2021


Bantay-sarado ngayon ang mga magbabalak na gumawa at gumamit ng pekeng COVID-19 vaccination cards.


Kaugnay nito, hiniling ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na magkaroon ng security mark sa nasabing vaccination cards.


Ito ay kailangan para masigurong walang makalulusot na pekeng card. Inihirit din na maging ‘uniform’ ang mga ito para mabilis ang pagberipika kung ang mga ito ay tunay o peke.

Alam naman natin ang raket ng iba riyan, halos lahat na lang ay pinepeke para kumita, na tinatangkilik naman ng mga pasaway na ayaw sumunod sa panuntunan.


Kaya ‘pag may nahuli sa pamemeke ng vaccination cards, bigyan ng matinding leksiyon nang hindi na pamarisan pa.


Nasa gitna na nga tayo ng pandemya, ayaw pang magsisunod sa batas, ayaw mamuhay nang patas.


Samantala, sa usapin ng vaccination card vs. swab test, una nang sinabi ng Palasyo na hahayaan pa ring magpasya ang LGUs kung ipatutupad ang “no swab test, no entry” sa mga biyaherong papasok sa kanilang bayan o lungsod.


Hindi naman natin masisisi na maghigpit ang iba lalo’t kung marami pa sa kanilang residente ang hindi pa bakunado, nais lang din nilang mag-ingat na hindi na kumalat ang virus.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page