top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Second chance sa mga pasaway na bar examinees, 'wag sayangin

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
1 min read

@Editorial | February 07, 2022



Ilang Bar examinees ang na-disqualify matapos lumabag sa mga polisiyang inilatag ng Office of the Bar Chairperson, ayon sa Korte Suprema.


Sa isang Bar bulletin, sinabi ni Associate Justice Marvi Leonen na ilang examinees ang pumasok sa mga local testing centers nang hindi idinideklara kung sila ba ay tinamaan na dati ng COVID-19, o hindi kaya ay nagpuslit ng mga mobile phones sa loob ng examination rooms at gumamit pa ng kanilang social media sa kanilang lunch break.


Kaugnay nito, nilinaw naman na ang disqualification ng mga Bar examinees na ito ay para lamang sa 2020/2021 Bar Examinations.


Ang payo sa mga diskuwalipikadong Bar examinees, pagnilayan ang mga ginawang paglabag at matuto rito upang huwag nang ulitin sa hinaharap.


Ayon pa kay Leonen, may pagkakataon pa ang mga ito na bawiin ang kanilang dangal.


Napag-alamang nasa 219 Bar examinees ang hindi nakakuha ng pagsusulit dahil nagpositibo sa COVID.


Enero 23 hanggang 25, 2022 dapat ang Bar exams pero naurong ito noong Pebrero 4 at 6, 2022 dahill sa global health crisis.


Magsilbi sanang aral sa lahat ang pangyayaring ito. Matuto tayong sumunod sa lahat ng polisiya at panuntunan.


Higit sa lahat, ingatan ang ating dangal. Ito ang natatanging bagay na hindi maaagaw o matutumbasan ng anumang halaga sa mundo.


Hindi man tayo pumasa sa anumang uri ng pagsusulit, basta't naging tapat, magaan natin itong matatanggap, May pagkakataon pa naman para bumawi.


Tandaan, mas matamis ang tagumpay na pinaghirapan at nakuha nang may katapatan at pananalig sa Kanya na nasa itaas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page