top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SBP, tuloy ang mga plano para sa 2023 FIBA World Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2020
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 10, 2020




Walang makakapigil sa mga plano ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa preparasyon ng bansa para sa hosting ng 2023 FIBA Basketball World Cup, kahit pa man dumaranas ng pag-aalinlangan sa kabila ng pananalasa ng coronavirus pandemic sa buong mundo.


Optimistiko sina SBP executive director Sonny Barrios at director of operations Butch Antonio sa patuloy na maayos na relasyon sa co-host nitong Japan at Indonesia na pare-parehong bukas ang komunikasyon para maisagawa ang mga kakailanganin para sa preparasyon bago ang 2023 event.


Regular ang meeting naming tatlo (Japan at Indonesia), together with the FIBA officials. Upon the encouragement of MVP [Manny Pangilinan], sabi ni boss, na wag ninyong kausapin ang Japan and Indonesia only if Fiba wants a video call. On our own initiative, dapat tayo ang nag-uusap, tayong magpapartner,” pahayag ni Barrios sa ginanap na PSA Forum, Martes, sa pamamagitan ng virtual-online session.


Patuloy namang nakabinbin ang pinal at opisyal na logo ng 2023 World Cup, gayunpaman, mayroon ng napiling naidisenyo ng tatlong bansa, ngunit nananatiling confidential ito.


Very tentative pa yung draw of ceremony kaya pinag-uusapan pa ang launching nito. Hindi pa sigurado kung actual ba o physical, kung may event ba or digital ang launching for safety purposes,” saad ni Barrios.


Mag-aantay rin umano ang SBP sa opisyal na anunsyo mula sa FIBA hinggil sa 2021 Fiba Asia Cup Qualifiers na nakatakda sa Nobyembre; ngunit dahil sa pandemya ay natigil lahat ang mga nakalinyang laban, kabilang na ang dalawang road games sa Thailand at South Korea.


Wala pang sinasabing cancellation yung FIBA qualifying sa November. We have to keep that on mind, hirap pang makagalaw, we have an awareness na dapat may paghandaan tayo,” saad ni


Opisyal na ipinasa ng China ang hosting rights sa tatlong bansa sa pamamagitan nina Fiba central board members Manny Pangilinan (Phils.), Yuko Mitsuya (Japan) at Erick Thohir (Indonesia) noong 2019 Fiba World Cup finals sa pagitan ng Argentina at Spain.


Napili namang venues para sa bansa ang Philippine Arena, Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena at Philsports Arena, habang gaganapin naman sa Istora Gelora Bung Karno sa Indonesia at Okinawa Arena sa Japan ang iba pang mga laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page